President Rodrigo Duterte has approved the pilot implementation of limited face-to-face classes in a maximum of 120 public and private schools in areas deemed as low-risk for Covid-19, the Department of Education (DepEd) announced on Monday, September 20.
A “maximum of 100 public schools located in areas categorized as minimal risk” and that have “passed the readiness assessment” and an “additional 20 private schools subject to joint validation by DepEd and the Department of Health (DOH),” are the participants for the limited face-to-face classes.
The pilot run of the limited face-to-face classes will be attended by learners of Kindergarten (12 learners), Grades 1 to 3 (16 learners), and Technical Vocational students in 5 Senior High Schools (SHS), (20 learners).
Education Secretary Leonor Briones said the DepEd has yet to determine the start of the pilot run but the agency will implement it immediately after receiving instructions from the President.
“The pilot run of limited face-to-face classes is a shared responsibility of the DepEd, Department of Health, with the approval of IATF, and the local government units themselves and the parents. This will be monitored for two months,” Briones said.
Free-to-DOWNLOAD:
- Weekly Home Learning Plan (WHLP) – DOWNLOAD
- Learning Activity Sheet (LAS) – DOWNLOAD
- Self-Learning Modules (SLM) – DOWNLOAD
𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚
𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗶𝗹𝗼𝘁 𝗶𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗺𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗳𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝟭𝟮𝟬 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻
Setyembre 20, 2021 – Nais ipabatid ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na pinahihintulutan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot implementation ng face-to-face classes sa mga low-risk areas.
Gayumpaman, nais naming bigyang-diin na ang pilot ay lalahukan lamang ng hindi hihigit sa 100 na mga pampublikong paaralan at 20 na mga pribadong paaralan. Ang mga paaralang ito ay matatagpuan sa mga minimal-risk areas base sa pamantayan na itinakda ng Department of Health (DOH), at kinakailangan na pumasa sa safety assessment gamit ang school safety assessment tool ng DepEd, at mayroong suporta ng lokal na pamahalaan sa anyo ng resolusyon o sulat ng pagsuporta. Habang ang mga pampublikong paaralan ay nakatapos na sa selection process, ang mga kalahok na pribadong paaralan ay kinakailangan pang dumaan sa selection.
Dagdag pa rito, ang mga kalahok na paaralan ay kinakailangang may written support at pahintulot ng mga magulang na lalahok sa pilot. Walang mag-aaral ang pipiliting dumalo sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Isasagawa ang pilot na may kombinasyon ng face-to-face classes sa paaralan at distance learning modalities nang dalawang buwan. Ang face-to-face classes ay dapat na isagawa nang half-day nang pasalit-salit na linggo, na ang mga kalahok na paaralan ay titiyakin na ang iskedyul ng klase ay nakaayos upang lahat ng kwalipikadong mga mag-aaral ay magkaroon ng oportunidad na makadalo ng face-to-face classes.
Inihanda ng DOH at DepEd at may kasamang suporta ng World Health Organization (WHO), United Nations Children’s Fund (UNICEF), at iba pang mga organisasyon na dalubhasa sa kalusugan ng bata, ang operational guidelines ng pilot implementation of face-to-face learning modality ay nagbibigay ng pamantayan sa kalusugan at kaligtasan sa mga tuntunin ng personal protective equipment, sanitation, detection at referral, ventilation, contact tracing, at quarantine, koordinasyon, at contingency measures. Nakalista rin dito ang mga hakbang kung paano ihanda ang tauhan ng paaralan, mga mag-aaral, at ang komunidad bago ang pagbubukas ng paaralan.
Sa paggawa natin ng mga hakbang para sa Ligtas na Balik Eskwela, hinihimok namin ang aming stakeholders na ipagpatuloy ang Bayanihan para sa tagumpay ng pagsisikap na ito at ang kaligtasan ng ating mga guro at mga mag-aaral.